
Bumili kaagad ng ticket nang hindi maubusan. Ingatan ito at huwag iwala.

Dumating ng maaga sa pantalan o terminal nang hindi maiwan ng sasakyan.

Magdala ng tubig at pagkain para sa biyahe.

I-charge ang mga cellphone.

Magdala lamang ng kaunting gamit.

Laging bantayan ang mga gamit.

Iwasan magsuot ng alahas.

Maging alisto sa mga magnanakaw.